Friday, 20 April 2012

Ang aking paglalakbay!



Habang ang mundo ay patuloy sa kanyang pag-ikot at habang ang mga tubig sa ilog ay nag-uunahan para makarating sa lawak ng karagatan, ang aking buhay naman ay patuloy na gumugulong para maabot ang hinahanap na tagumpay ng buhay.








Mula pa nung akoy bata pa naaala ko ang aming kahirapan malaking pasalamat kapag makumpleto ang tatlong beses na  pag kain ng isang araw, pero hindi ito naging dahilan upang ihinto ang aking paglalakbay upang marating ang tugatog na tagumpay...
Mula sa kahirapan patuloy kung ginulong ang gulong ng buhay upang hindi mahinto ang pagtahak sa daan kung saan sa dulo nito nakaantay ang kaligayahan...




Minsan may mga sigalot na dumarating at humaharang sa aking daan pilit nila na  ako ay lumihis ng ibang patutunguhan, pero akoy nagpakatatag na ang lahat na itoy aking malampasan upang ang mithiin sa buhay ay makamtan.Ngayon hito ako patuloy na nakipaglaban sa buhay na sana hindi susuko hanggang ang pangarap  hindi pa abot at tanaw pa sa kalayuan.....






Hali kayo! Samahan nyo ako sa aking paglalakbay, samasama nating abutin ang buhay na para sa atin.... ........

1 comment: